Muling nakiusap si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Royina Garma sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na tuluyang sugpuin ang mga illegal number game sa bansa.
Ginawa ang kanyang pahayag sa katatapos na turn over ceremony ng PCSO ng pera bilang mandatory contribution ng ahensya sa ilang ahensya ng gobyerno.
Kung saan ginawa ito kaninang alas-10:00 ng umaga sa PCSO parking area Conservatory Bldg. Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Ayon kay Garma, mas lalaki ang kita ng PCSO kung wala na ang mga illegal number game sa bansa.
Dahil kung malaki ang kikitan ng PCSO, mas marami rin anya ang matutulungan ng ahensya tulad ng medical assistance at mas mapapalawak ang mga charity work ng PCSO.
Muli naman niyang hinikayat ang publiko na tangkilikin ang mga produkto ng PCSO para mas marami pa ang matulungan.
Ang PNP at NBI ay isa lang sa mga recipient ng PCSO sa ibinigay nitong mahigit ₱67 milyon halaga ng pera sa mga ahensya ng pamahalaan.
Aniya kasalukuyan ding nagbibigay ngayon ng tulong ang PCSO sa mga Local Goverment Unit na nasalanta ng Bagyong Odette.