Unang sumalang ngayong umaga ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pagdinig ng pambansang pondo ng House Committee on Appropriations.
Sa pagharap ng PCSO sa ikalawang araw ng pagdinig ng komite, inamin ni General Manager Royima Garma na pinakamalaking revenue ng PCSO o 52% ay nagmumula sa Small Town Lottery o STL na aabot sa P12.6 Billion.
Pumangalawa lamang ang Lotto na may P10.9 Billion na nasa 41% habang 5% lamang sa Keno at other games at 2% naman sa instant sweepstakes.
Sa presentasyon ni Garma, 30% ng kita ay ibinabalik sa publiko sa pamamagitan ng charity, 55% ay sa premyo habang 15% lamang ang napupunta sa PCSO.
Bumaba naman sa P24.6 Billion ang na-generate na kita ng PCSO sa unang kalahati ng 2019 o mula January hanggang June, malayo pa ito kumpara sa P63.6 Billion na naabot na revenue ng ahensya.
Ilan naman sa mga proyekto ng PCSO na pinupuntahan ng kanilang pondo ay individual medical assistance program, procurement medical equipment program, AFP and PNP capability project, calamity assistance program, milk feeding program, medical transport donation program, outpatient services, multi specialty clinics, medical-dental special mission at auxiliary ambulance.