Quezon, Isabela – Maigting ang isinasagawang pagpapatupad at pagpapakalat ng impormasyon ng PNP Quezon, Isabela hinggil sa PD 603 o Criminal liability of parents over minor upang mapangalagaan at mabigyan ng kahalagahan ang mga kabataan.
Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay PCapt. Fresiel A. Dela Cruz, Hepe ng PNP Quezon, layunin ng nasabing batas na mabigyan ng disiplina ang mga kabataan lalo sa panahon ngayon.
Aniya, ipinagbabawal ng nasabing batas ang pagmamaneho ng mga menor de edad sa mga sasakyan lalo ang mga motorsiklo. Dahil kung nahuli anya ang mga kabataan na lumabag sa nasabing batas ay maaaring makasuhan ang kanilang mga magulang.
Ayon pa kay PCapt. Dela Cruz, ginagawa lamang nila ito upang maprotektahan ang mga kabataan at mailayo na rin sa anumang kapahamakan.
Samantala, inihayag ni PCapt Dela Cruz na magkakaroon ng License to Own and Possess Firearm (LTOPF) Caravan sa Abril 12, 2019 na gaganapin sa Isabela Police Provincial Office (IPPO).
Sa mga interesado na magpalisensya ng baril, bumili o magbenta ng baril ay magtungo lamang sa tanggapan ng IPPO sa nasabing araw.