PDA sa Burnham Park, Bawal!

Public Display of Affection o PDA ipinagbabawal sa mga magkasintahan na tumatambay sa Burnham Park. 

Ito ay base sa bagong ordinansang naipasa na sa ika-unang pagbasa kung saan ay ipinagbabawal ang paghahalikan, paghiga at kahit ano pang klase ng PDA sa children’s park sa Burnham Park. 

Ayon kay Councilor Joel Alangsab ang may akda ng nasabing ordinansa ay ginagawa umanong dating site ang parke kung saan ginagawa ng mga magkakasintahan ang bagay na hindi maganda sa mga paningin ng mga bata. 


Layon ng ordinansang ito na protektahan ang mga bata sa mga nakikitang malalaswang ginagawa ng mga magkakarelasyon sa parke.

iDOL, ingat ha dahil kapag naging ordinansa, may multang aabot sa P2, 000.00 ang mahuhuling lalabag.

Facebook Comments