PDEA 6th Target Listed Drug Personality, Timbog sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Inaresto ang isang lalaki na tulak ng iligal na droga at Top 6 sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bandang 11:30 kahapon ng umaga matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Sitio Lanuza, Brgy. Baluarte, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Adrian Martinsen alyas Edrian Moreno, 31-anyos, binata at residente ng Brgy. Baluarte sa nasabing lungsod.

Ayon sa PDEA Region 2, naaktuhan na nagbebenta ng droga ang suspek sa ahenteng nagpanggap na poseur buyer.


Narekober kay Moreno ang tinatayang humigit kumulang na isang (1) gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5,000.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments