Dating DFA Secretary Perfecto Yasay Jr., pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 73 si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr.

Ito ay kinumpirma ng maybahay niyang si Cecile Joaquin Yasay.

Alas 7:26 kaninang umaga nang pumanaw ang dating kalihim dahil sa sakit na pneumonia na konektado sa cancer.


Nagpaabot naman ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Yasay ang United Church of Christ in the Philippines (UCCP).

Si Yasay ay kasalukuyang Chairperson ng Philippine Christian University (PCU) Board of Trustees na affiliate ng UCCP.

Naglabas na rin ng mensahe si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. kung saan sinabi nito na si Yasay din ang nagrekomenda sa kanya sa dati nitong posisyon sa United Nations.

Si Yasay ay namuno sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 1995 hanggang 2000.

Nanungkulan din siya bilang kalihim ng DFA mula June 30, 2016 hanggang March 8, 2017 pero hindi na naaprubahan ang kanyang appointment dahil sa isyu ng citizenship.

Facebook Comments