PDEA: Advisory tungkol sa mga produkto ng milk tea na may cannabis alkaloids fake news 

Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagmula sa ahensya ang advisory isang ipinakalat sa internet nagbabala sa mga epekto ng isang partikular na brand ng milk tea na.

Sinasabing naglalaman umano ng mga psychoactive substance na matatagpuan sa Cannabis sativa plant, na mas kilala bilang marijuana.

Hindi umano pirma ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang nasa naka-post na dokumento.


Ayon pa sa PDEA, kahit hindi mandato ng PDEA ang pagtukoy at pagsuri sa kaligtasan ng mga produktong pagkain at inumin para sa pampublikong pagkonsumo, ang ahensya ay mahigpit ang koordinasyon sa mga kaukulang awtoridad.

Facebook Comments