100 Pinoy repatriates mula Kuwait, dumating sa bansa

OWWA Facebook page

100 Filipino repatriates mula Kuwait ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kanina.

Sila ay kabilang sa mga pansamantalang naninirahan sa shelter ng Philippine Embassy sa Kuwait.

Sila ay sinalubong ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan inalalayan sila sa pag-uwi sa kanilang mga tahanan at probinsya.


Inaasahan naman ang arrival sa Pilipinas sa mga susunod na araw ng iba pang mga Pilipinong naapektuhan ng crackdown na pinatutupad ng Kuwait.

Sa harap ito ng sigalot ng Pilipinas at Kuwait matapos ang pagsuspinde ng visa ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Facebook Comments