PDEA Agent, Binaril sa Tuguegarao

799

Tuguegarao, Cagayan – Di na naabutang buhay ang isang PDEA agent matapos siyang pagbabarilin ng riding in tandem.

Sa nakalap na report ng RMN Cauayan News Team sa pamamagitan ng RMN Affiliate Radyo DZCV reporter Evangeline Malana, ang PDEA agent ay si Mark Anthony Ventura y Melad, residente ng City Homes, Brgy San Gabriel, Tuguegarao City.


Ang naturang pamamaslang ay nangyari bandang 12:45 ng tanghali, Oktubre 2, 2017 sa San Roque Street sa likurang bahagi ng Florida Bus Terminal, Pengue Ruyu, Tuguegarao City.

Sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao, ang biktima ay nakaangkas sa isang Mio motorcycle na minamaneho ng isang Jonathan Juan y Urata, 37 anyos at residente ng City Homes, Brgy San Gabriel, Tuguegarao City nang siya ay pinagbabaril ng mga suspek na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Tumakas ang mga salarin matapos ang insidente at sinisikap ngayong tugisin ng mga kapulisan sa pamamagitan ng mag ipinakat na mga checkpoints.

Nakarekober ang SOCO ng limang (5) basyo ng bala ng kalibre 45 at isang isang (1) deformed slug sa pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments

From Advertisers