Manila, Philippines – Maging ahente ng PDEA ay inaaresto na rin ng PNP Counter Intelligence Task Force.
Kinilala ni Ps. Supt Chiquito Malayo, ang hepe ng CITF, ang suspek na si Erwin Magpantay – Investigating Agent ng PDEA Region 4A.
Naaresto ito sa isang entrapment operation sa isang mall sa Canlubang, Laguna na ikinasa ng CITF at Regional Intelligence Division ng PNP Region 4A.
Nag-ugat ito sa reklamo ni Mischelle Mateo na ang kaniyang mister na si Elvis Leyson Alamin at apat na iba pa ay inaresto sa Meycauyan, Bulacan dahil sa illegal drugs noon pang August 5.
Pinuntahan ang bahay nila sa Valenzuela at kinuha ang
1. P25,000 cash;
2. One light brown innova with or/cr bearing plate Nr ZRR 891;
3. OR/CR of an Owner Jerp;
4. Assorted jewelries;
5. 13 cellphones;
6. Two laptops; at
7. Deed of Sale ng kanilang bahay.
Ang mga naaresto ay dinala sa headquarters ng PDEA sa Region 4A at hiningan ng 1.5 Million pesos.
150, 000 pesos lang ang kaniyang naibigay kaya’t hindi pinakawalan ang kaniyang mister.
Kasama sa mga nakumpiska sa suspek na si Magpantay ang marked money, dalawang cal. 45 at samu’t saring mga bala.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang CITF sa Regional Director ng PDEA Region 4A upang makilala ang iba pang mga suspek.