PDEA, aminadong hindi accurate ang ilang datos sa war on drugs

Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na totoo ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na hindi accurate ang ilan sa mga inilalabas na datos kaugnay sa war on drugs.

Sinasabing apat na milyon ang lulong sa droga pero kulang ito sa Scientific Basis.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, magsasagawa ang Dangerous Drugs Board (DDB) ng survey tungkol dito.


Nasa 8,000 High Value Target ang naaresto, kabilang ang ilang local executives, celebrities, at ilang miyembro ng media.

Pero giit din ni Aquino na may maling hakbang din ang Bise Presidente nang italaga siya bilang Chairperson ng Inter-Agency Committee on anti-illegal drugs.

Handa rin ang PDEA sa ilalabas na report ni Robredo tungkol sa war on drugs.

Facebook Comments