PDEA at CICC, tinututukan ang drug importation at supply sa bansa

Mahigpit na nakikipagtulungan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Ito ay upang mapahusay ang pagsubaybay sa drug importation at supply sa bansa.

Ayon kay PDEA Spokesperson Atty. Joseph Frederick Calulut, noong Enero 28 ay lumagda ang dalawang ahensya sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong pag-ibayuhin ang palitan ng impormasyon sa iba pang mga ahensya gamit ang makabagong teknolohiya.


Dagdag pa ni Calulut na nagagamit nila ang teknolohiya upang masilip ang aniya’y tinatawag na cybercrime link o cybercrime-related drug transactions.

Facebook Comments