PDEA at Grab Philippines, pumirma na rin ng kasunduan kontra online door-to-door drug trafficking

Pumirma na rin ng kasunduan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Grab Philippines upang wakasan na ang nauusong pagtutulak ng droga gamit ang transport at delivery services.

Isinagawa ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pamamagitan nina PDEA Director General Wilkins Villanueva at Grab Philippines head Sherilysse Bonifacio sa isang simpleng seremonya sa PDEA National Headquarters sa Quezon City.

Ayon kay Villanueva, nakakalusot ang kalakaran ng droga sa pamamagitan ng ilang service drivers ng ride-hailing app company dahil hindi nabubusisi ang kanilang operasyon .


Dahil dito, nangako ang Grab Philippines na mahigpit na makikipagtulungan sa PDEA kaugnay ng mga suspicious packages

Umaasa ang PDEA Chief na gagayahin ng ibang ride hailing app companies na Grab sa paglalagay ng sapat na ngipin sa pagpigil sa paglaganap ng droga gamit ang transport at delivery services.

Facebook Comments