Catanduanes – Matapos ilabas ang search warrant mula kay Executive Judge Lelu Contreras ng RTC 42-42 Virac, Catanduanes sa malalaking personalidad sa Catanduanes, hindi na muna nilabas ngayong ng regional command ng Philippine National Police gayun rin ang hanay ng PDEA Bicol ang mga ebidensiya na kanilang nakuha mula sa shabu laboratory sa naturang bayan.
Ayon kay Chief Supt. Gardiola Jr. PNP director, ina-identify muna nila ito matapos i-serve ng executive judge ang search warrant.
Ito ang parallel investgation kaugnay sa pagkakatayo at pagkakadawit ng mga malalaking personalidad sa mega shabu lab sa Barangay Panta, Virac Catanduanes nitong mga nakalipas na taon.
Ayon pa kay Gariola, hinihingi niya na sumuko na ang mga sangkot para malinis ang kanilang sarili sa limang himpilan ng pulisya sa Catanduanes o sa regional command matapos madawit sa follow up operation ng PNP, PDEA at house committee.