PDEA at PNP, iginiit na bantay-sarado ang kanilang imbakan ng ilegal na droga  

Iginiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na high-tech at bantay-sarado ang imbakan nila ng ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Laboratory Service Director Derrick Carreon, malabong mai-recycle pa ang mga nasabat na droga.

Sa Crime Laboratory ng Philippine National Police (PNP), mahigpit ding binabantayan ang imbakan ng ilegal na droga.


Ayon kay PNP Crime Lab Chemistry Division, Lt/Col. Arturo Albert, iilan lamang ang may access dito.

Tanging ang Korte lamang ang may kapangyarihan na mag-utos sa kanila na buksan ito at maglabas ng ebidensya.

May taunang imbentaryo ito at may supresang audit na isasagawa.

Pero aminado ang PDEA at PNP na hindi na nila kayang sagutin ang ibang ebidensyang kinukupit ng mga tiwaling operatiba.

Sa datos ng PNP Crime Lab, mula July 2016 hanggang sa kasalukuyan nasa higit 40,000 gramo ng shabu ang nakaimbak sa National Headquarters habang nasa higit 421,000 gramo sa kanilang Crime Lab sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments