PDEA, bumuo ng financial investigators na tutulong sa AMLC na lansagin ang money laundering networks ng mga sindikato ng droga sa bansa

Pormal nang binuo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang team na magsisilbing financial investigators.

Ito ay upang makatulong ng Anti-Money Laundering Council ( AMLC) sa gagawing paglansag sa drug money launderers sa bansa.

Ang PDEA Deputized Anti-Money Laundering Council Financial Investigators (DAFIs) ay binubuo ng mga PDEA personnel na sinanay upang imbestigahan ang mga financial instruments – tulad ng mga bank accounts at insurance policies na ginagamit sa drug money.


Kung dati, ang financial investigations ay ginagampanan lang ng AMLC tuwing may suspicious transactions o money laundering, ngayon ay makakatulong na nila ang PDEA.

Mula 2011 hanggang 2018, nai-freeze ng AMLC ang mahigit P2 billion na halaga ng assets ng mga suspected drug personalities at noong 2017, sa tulong ng PDEA nai-freeze ang 160 accounts at mga insurance policies sa may labing anim na bangko at iba pang financial institutions na nakapangalan sa convicted drug lord na si Peter Co at ng kaniyang mga kasosyo.

Noong September, nakakuha ang PDEA at AMLC ng freeze order para sa mga assets ng drug personalities na sina Julie Hao Gamboa at mag-asawang Ruben at Teresita Taguba na naiuugnay sa smuggling ng daan-daang kilo ng shabu.

Facebook Comments