PDEA CamSur: Drug Lord na Nadakip sa Legazpi City, Itinuro ang Source sa Kamaynilaan, 2 Tiklo, 1 Kilong Shabu Nakumpiska

Dalawa pang pinaghihinalaang dealer ng ipinagbabawal na droga ang nasakote ng PDEA sa isinagawa nitong buy bust operation kamakalawa ng hapon, bandang alas 4, sa Barangay Levi Mariano sa Taguig City.

Kinilala ang mga suspects na sina Karlo Gubaton y Atienza, 25, Carlo Nicol y Horca, 20. Nakatakas naman ang kasama nilang kinilalang si John Patrick Losiñada y Talaboc.

Natunugan ang mga ito base sa pagkaaresto sa Legazpi City ng isang Amerodin Cadayon alyas Oding na isang bigtime drug lord sa kabikolan at Calabarzon noong nakaraang November 30. Sa patuloy na imbestigasyon ng PDEA ROV, tinukoy nito ang kanyang source sa Kamaynilaan kung saan magkatuwang na isinagawa ang operasyon laban kina Gubaton, Nicol at ang nakatakas na si Losiñada.
Apat na nakabalot na plastic containers na may hinihinalang shabu ang nakumpiska ng PDEA. Ito ay tinatayang umaabot sa isang kilo at nasa 5 million pesos ang street value nito.


Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA RO5 Camarines Sur Provincial Office sa pamumuno ni Agent Vidal DC Bacolod, PDEA RO4A sa pangunguna ni Dir. Archie A. Grande, RD PDEA RO4A, and PDEA SES sa pangunguna ni Dir. Levi S. Ortiz sa ilalim naman ng pangkalahatang superbisyon ni DIR. CHRISTIAN O. FRIVALDO, Acting Regional director ng PDEA Regional Office 5.

Hawak ngayon ng PDEA RO4A ang mga suspects para sa kaukulang kaso.
credits to pdeacamsur fbpage for details and photos




Facebook Comments