PDEA chief, bumwelta kay Acierto matapos siyang idawit na protektor ni Michael Yang sa illegal drugs

Tinawag na sinungaling ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino si dating Police Colonel Eduardo Acierto.

Ito ay makaraang tahasang inginuso ni Acierto si Aquino na isa umano sa mga protektor ni dating Presidential Adviser Michael Yang na isa sa mga binansagang pinakamalaking sindikato ng iligal na droga sa bansa.

Sa isang kalatas, mariing itinaggi ni Aquino ang paratang ni Acierto.


Aniya, walang batayan ang mga ibinibintang at isang uri ng desperadong hakbang.

Ani Aquino, malinis ang kaniyang konsensya at handa siyang humarap saan mang venue upang depensahan at linisin ang kaniyang pangalan.

Bukas din si Aquino sa lahat ng pagsisiyasat at maging sa korte upang patunayang mali si Acierto.

Facebook Comments