Inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency Director (PDEA) General Wilkins Villanueva na handa siyang mag-resign sa sandaling mapatunayang sangkot sa “sell bust” ang kaniyang mga tauhan.
Kaugnay naman ito sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga anti-narcotics operatives ng PDEA at Quezon City Police Department (QCPD).
Sa isang pulong balitaan sa Ortigas Center, Mandaluyong City, sinabi ni Villanueva na kung may makakapagpakita ng CCTV na nagbenta ng droga ang kaniyang mga tauhan ay agad siyang aalis sa puwesto.
Nauna nang inihayag ng National Bureau of Investigation na kabilang sa kanilang sinisilip ay ang sinasabing “sell bust”.
Iginiit pa ni Villanueva na kilala niya ang kaniyang mga tauhan at nagtitiwala naman sa NBI sa ginagawa nitong pag-iimbestiga.