Tatlong opisyal ng Camp Aguinaldo General Hospital, nagpabakuna na ng Sinovac vaccine

37

Tatlong mga opisyal ng Camp Aguinaldo General Hospital ang unang tinurukan ng Sinovac vaccine kaninang umaga sa isinagawang sabay-sabay na symbolic vaccination ng tatlong main service branches ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kanina, pinangunahan ni AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana ang ceremonial vaccination sa Camp Aguinaldo.


Ang unang tatlong tinurukan ng Sinovac vaccine ay sina Lt. Col. Jacquelyn Cloma, Major Francis Andrade at Major Richard Delgado.

Sa mensahe ni Sobejana hinikayat nito ang mga sundalo na huwag matakot sa bakuna.

Aniya, kailangan nilang magpaturok para mas mapangalagaan ang taumbayan at epektibong magampanan ang kanilang trabaho.

Samantala, sinabi naman ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, na target nila mabakunahan ngayong araw ang 30 medical health workers sa Camp Aguinaldo.



Gayundin sa ibang mga kampo sa Manila Naval Hospital, Army General Hospital at Philippine Air Force General Hospital.


Facebook Comments