Idineklara nang nalinis na sa impluwensya ng illegal drugs ang dalawang barangay sa Quezon City.
Ito’y matapos na ianunsyo ng Regional Oversight Committee for Barangay Drug Clearing Program na drug free na ang Barangay Pasok Putik at Barangay North Fairview.
Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council, ng barangay council, Quezon City Police District, at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Layon ng nasabing programa na maipakita ang patuloy na suporta ng mga barangay upang masugpo ang ilegal na droga sa lungsod bilang bahagi ng pagtataguyod ng mapayapa at ligtas na komunidad.
Batay sa pinakahuling datos ng real numbers na inilabas ng PDEA noong February 2022, mahigit 24,000 sa kabuuang 42,045 na mga barangay sa bansa ang idineklara nang drug-cleared.