Suportado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagnanais ni President-elect Bongbong Marcos Jr., na magtalaga ng anti-drug czar.
Sa isang statement, sinabi ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon na nakasalalay sa pagpapasiya ni Marcos kung sino ang nais niyang gawing anti-drug czar.
Aniya, kung sinuman ang mapipili nito ay ibibigay nila ang kanilang buong pagtaguyod.
Nauna rito, ipinahayag ni Marcos na itinagubilin sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng kampanya kontra illegal drugs.
Dito ipinahiwatig ni Marcos na posibleng ibigay niya kay Pangulong Duterte ang posisyon ng anti-drug czar.
Gayunman, sinabi ng Palasyo na malamig si Pangulong Duterte dito dahil ang gusto nito ay magretiro na pagkatapos niyang bumaba sa puwesto pagkatapos ng June 30.
Sa ilalim ng Duterte administration, naging madugo ang kaniyang drug war na nagbunsod upang maghain ng reklamo ang mga human rights at international groups sa International Criminal Court (ICC).