Mga PNP chief of police, inatasang regular na magsagawa ng update sa drug watchlist

76

Utos ni Police Major General Valeriano de Leon, Philippine National Police (PNP) Director for Operations sa lahat ng mga chief of police sa buong bansa na magsagawa ng regular na update sa drug watchlist sa kanilang nasasakupang lugar.

Aniya bahagi ito nang pagpapanatili nang kanilang effort para mapanatili ang masigasig na kampanya kontra iligal na droga.

Sinabi ni De Leon, habang maayos na ginagawa ng mga police units ang kanilang trabaho na pagtugis sa mga drug pushers sa kanilang area of responsibility ay dapat aniyang mas maiging palakasin pa ang intelligence gathering.


Pagtitiyak ni De Leon, hindi titigil ang PNP sa mga operasyon laban sa mga drug traffickers.

Kamakailan lang ay nagpaalala si De Leon sa mga police commanders na ituloy lang ang maigting na kampanya laban sa iligal na droga na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments