PDEA, kakasuhan ang mga magulang ng mga bata na narescue sa drug raid sa Navotas

Manila, Philippines – Magsasampa ang Philippine Drug Enforcement Agency ng mga kasong child abuse at kabayaan laban sa mga magulang ng mga batang nasagip sa sinalakay na drug den sa Navotas noong nakaraang linggo.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, posibleng maharap ang mga magulang sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang ‘Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act’.”

Sa sandaling mapatunayan na mismong mga magulang ang nagbulid sa mga bata sa illegal drug trafficking sila ay makakasuhan ng paglabag sa ilalim ng Section 10 para (e) ng RA 7610.


Nakita sa video surveillance footage na ginagamit ang mga bata bilang runners, pushers o kaya naman ay drug den maintainers habang ang ilan naman ay nakitang kasama sa pot sessions.

Iginiit ng PDEA na ang isinagawang operasyon ay bahagi ng “Oplan Sagip Bata”.

Nasunod naman aniya ang proseso sa ilalim ng provisions Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 nang isailalim sa kustodiya ang mga bata.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Bahay Pag-asa sa Navotas City ang mga narescue na mga bata.

Facebook Comments