DOJ, nagsumite na sa Malakanyang ng rekomendasyon kaugnay ng panukalang ibaba ang edad para sa criminal responsibility

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nagsumite na ang DOJ sa Malakanyang ng kanilang posisyon sa panukalang ibaba sa siyam na taon ang edad para sa criminal responsibility

Ayon kay Guevarra, ipinauubaya na nila sa Palasyo ang pagproseso sa nasabing panukala

Una nang umani ng magkakaibang reaksyon mula sa iba’t ibang sektor ang nasabing panukala.


Sinasabing layon ng bill na maprotektahan ang mga kabataan para mailayo sila sa panggagamit ng mga sindikato.

Facebook Comments