PDEA, nais i-ban ang ‘Amatz’ ni Shanti Dope

Gustong isulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagbabawal ng kantang ‘Amatz’ ni Shanti Dope sa national television.

Sumulat na raw si PDEA Chief Aaron Aquino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit at sa ABS-CBN, na itigil na ang pagpapatugtog nito sa telebisyon.

Ayon sa PDEA, tila pinopromote sa kanta ang paggamit ng droga o marijuana.


Pahayag ni Aquino, mukhang marijuana ang tinutukoy ng mang-aawit sa lyrics nitong
“Lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal”
“Ito hinangad ko lipadin ay mataas pa, sa kaya ipadama sa’yo ng gramo, ‘di bale nang musika ikamatay”

Dagdag pa ni Aquino, nirerespeto niya ang mga nasa music industry ngunit mariing tinututulan ng ahensya ang promosyon ng mga kantang naghihikayat ng paggamit ng mga ipinagbabawal na droga.

Facebook Comments