PDEA, nakipagsanib-puwersa laban sa mga ninja cops

Nakipagsanib-puwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong law enforcement agency para linisin ang kani-kanilang hanay na nasa impluwensya kontra sa iligal na droga.

Ang tatawaging NCR Quad-Intel Force ay kabibilangan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, ang paglutang ng mga “ninja cops” ang isa rin sa dahilan sa pagbuo ng Quad-Intel Force.


Ipinagmalaki ng Quad-Intel Force na hindi sila magkakaroon ng kompromiso at “zero tolerance” sa lahat ng patuloy na lumalabag sa batas sa iligal na droga lalo na sa kanilang mga kabaro.

Malaki na aniya ang naging accomplishment ng bawat ahensya  ngunit natatabunan lamang ng mga bulok o tiwali nilang miyembro na iilan lamang.

Facebook Comments