PDEA, nirerespeto ang utos ni Pangulong Duterte na NBI na lang ang mag-imbestiga sa engkwentro na nangyari sa isang fast food sa Commonwealth Avenue

Ipinahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency na wala nang dapat pang ibigay na komento sa pagpapaubaya na sa National Bureau of Investigation ng pag-i-imbestiga sa anti-drug operation na nauwi sa “misencounter”.

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, mismong kautusan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at nakahanda silang sumunod.

Una nang ipinahayag ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na mainam sana kung sila ay kasama sa mag-i-imbestiga dahil sa kanila nagsimula ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng anti-narcotics agents ng PDEA at Quezon City Police District.


Ganito rin ang tugon ng PDEA sa pagpasok ng Senado at Kamara sa pagsabing nasa kapangyarihan ng mga ito na mag-imbestiga sa nangyaring shootout.

Facebook Comments