PDEA PANGASINAN WALANG NAITATALANG NARCOPOLITICIANS

Sa isinasagawang pagmomonitor ng PDEA Pangasinan, wala umano silang naitatalang narco politicians o mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa ahensya, mahigpit ang kanilang kampanya laban sa illegal drug operation kaya mahihirapan na makagalaw ang sindikato ng droga.

Patuloy din ang pag-iikot na kanilang tanggapan na isinasagawa sa bawat Barangay.


Dagdag pa ng ahensya kung sakali mang mayroong mga pulitikong sangkot dito sa lalawigan ay kanila din lang malalaman at gagawan ng aksyon.

Samantala, dahil sa higpit ng seguridad ay mahihirapan umano ang mga drug personality na makakuha ng supply sa ibang lugar partikular sa National Capital Region.

Facebook Comments