Bilang ng mga nakapagparehistro na para sa 2022 national elections, halos 8 milyon na

Pumalo na sa halos 8 milyong Pilipino ang nakapagparehistro na para makaboto sa 2022 national elections.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, mayroon nang 7,991,821 application ang kanilang natanggap hanggang nitong Setyembre 25.

Matatandaang una nang inaprubahan ng COMELEC at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa voter registration hanggang sa Oktubre 30, mula Lunes hanggang Biyernes ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.


Habang pansamantala itong suspendido simula noong Oktubre 1 hanggang 8 para bigyang daan ang paghahain ng kandidatura para sa local at national positions.

Facebook Comments