PDEA Region 2, Patuloy na magsasagawa ng OPLAN: HARABAS sa Lambak ng Cagayan!

*Tuguegerao City, Cagayan*- Patuloy na isasagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ang kanilang ‘OPLAN: HARABAS’ sa ilang mga tsuper ng transport group gaya ng Tricycle,UV Express at Pampublikong Bus sa buong Lambak ng Cagayan upang maiwasan ang ilang aksidente na maaaring kasangkutan ng mga nasabing tsuper.

Batay sa inilabas na datos ng PDEA-R02 sa pangunguna ni Ginoong Giovanni Alan, Acting Asst. Regional Director ng nasabing ahensya, may kabuuang 181 ang naging partisipasyon ng mga nasabing tsuper sa Santiago City at isang tricycle driver ang nagpositibo dito habang may kabuuang 373 na mga tsuper naman ang nakiisa sa Tuguegarao City at dalawang tricycle drivers ang nagpositibo sa isinagawang drugtest.

Ayon pa kay Director Alan ang mga nagpositibo sa mga ito ay sumasailalim sa rehabilitation program ng ahensya at pansamantalang kinuha sa mga ito ang kani-kanilang mga lisensya hanggang sa sila’y matapos sa rehabilitasyon.


Hinihikayat naman ng PDEA-R02 ang lahat na umiwas sa paggamit ng iligal na droga at magpapatuloy aniya ang kanilang isasagawang Oplan Harabas sa buong Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments