PDEA Region 2 Reformation Center, Nakatakdang Itayo sa Cagayan

Cauayan City,Isabela- Inaasahang anumang araw ay sisimulan na ang konstruksyon sa Reformation Center ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang Philippine National Police na itatayo sa PDEA Regional Office II, Carig Sur, Tuguegarao City.

Ito ay matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony kaninang umaga, Oktubre 7, 2021.

Ang pagpapatayo ng pasilidad ay magsisilbing kanlungan ng mga drug reformist sa kanilang pagbabagong buhay mula sa ipinagbabawal na gamot.


Inihayag naman ni PDEA Region 2 Director Joel Plaza kung paano nabuo ang ganitong konsepto ng proyekto.

Ayon sa kanya, ito ay dahil sa hindi natitinag na suporta ng mga iba’t ibang ahensya partikular ang TESDA region 2.

Ang naturang proyekto aniya ay makakatulong na maging produktibong miyembro ang reformist sa komunidad.

Samantala, nagbigay din siya ng update sa pagsisikap ng Barangay Drug Clearing ng rehiyon at kung paano makakatulong ang nasabing Reformation Center na bumuo ng drug-free Cagayan Valley Region.

Naniniwala naman si PCol. Ronaldo Bayting, PRO2 Deputy Regional Director for Operations na maganda ang pagkakaroon ng ganitong pasilidad upang unti-unting tuldukan ang mapanirang iligal na droga.

Facebook Comments