Isinasagawa ang nasabing programa sa pakikipag-ugnayan ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) sa pangunguna ni Ptr. Donald Ramos at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 2 sa pangunguna naman ni Binibining Marizze Cael kung saan tinalakay ang mga guidelines sa pagdedeklara bilang Drug Cleared o Drug Free sa isang barangay.
Patuloy naman na hinikayat ng ahensiya ang mga dumalo na nawa’y mapanatili ng bawat barangay sa Lungsod ng Ilagan na nauna ng naideklarang Drug Free at Drug Cleared na panatilihin ang ganung status.
Matatandaan na dalawang barangay na lamang ang sumasailalim sa drug clearing operations sa lungsod.
Nasa 48 na barangay na ang drug-cleared habang 41 naman ang drug-free batay sa datos ng PNP Ilagan.
Layunin ng programa na maparangalan ang Lungsod ng Ilagan bilang kauna-unahang lungsod sa buong Pilipinas na maideklarang Drug Free City.