Aabot sa ₱6.25 bilyon na halaga ng iba’t ibang dangerous drugs ang sinira ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Compound sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ito’y bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain na pagkalipas ng isang linggo ang mga nakumpiskang illegal drugs upang maiwasang mai-recycle at maibalik ito sa lansangan.
Gamit ang thermal decomposition, tinunaw ang mahigit dalawang milyong gramo ng assorted na drug evidence.
Based sa consolidated report ng PDEA Laboratory Service, kabilang sa mga sinira ay Methamphetamine hydrochloride or shabu, marijuana, cocaine, ephedrine, ketamine, diazepam, methyl ephedrine, Nalbuphine, MDA, GBL, 2C-B, liquid ecstasy, at expired medicines.