PDEA, tiniyak ang seguridad ni VP Leni sakaling sumama sa Anti-Drug Operations

Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi malalagay sa alanganin ang buhay ni Vice President Leni Robredo kapag sumama ito sa Drug Operations.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, may isang ligtas na lugar na ilalaan kung saan pwedeng mag-monitor ang Bise Presidente.

Mahalaga aniya ang seguridad ni Robredo bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.


Iginiit din ni Aquino na hindi maiiwasang may mamatay sa Anti-Drug Operations dahil mismong kanilang operatiba ang nalalagay sa alanganing sitwasyon.

Aminado ang PDEA na ‘back-to-zero’ ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD nang italaga si Robredo bilang Co-Chairperson.

Facebook Comments