Nakahandang sumunod ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain agad sa loob ng isang linggo ang lahat ng mga illegal drugs na nakukumpiska.
Layon nito na maiwasang mai-recycle ang mga nakukumpiskang droga at maprotektahan ang publiko sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ng PDEA na naghihintay na lang sila ng court order para simulan nang sirain ang mga droga na nasa pangangalaga ng ahensya.
Humihingi na rin ng gabay ang PDEA sa secretary ng Department of Justice kung paano ang gagawing hakbang sa mga prosecutors na tumatangging makapag-inspeksyon sa mga drogang nasa kanilang kustodiya.
Sa pagtaya ng PDEA, nasa isang toneladang iba’t ibang illegal drugs ang maaari na nilang sirain sa isang linggo.