PDEA, tumanggap ng ₱13-M na halaga ng drug detection equipment mula sa US government

Tumanggap ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng ₱13-M na halaga ng mga drug detection equipment na donasyon ng United States Drug Enforcement Agency.

Kabilang sa mga equipment ay tatlong Rigaku handheld drug analyzers; dalawang N2200 handheld narcotics detectors, dalawang Viken HBI-120 handheld X-ray imagers, isang B & W TEK tactic ID-1064 handheld Raman spectrometer at isang Heuresis handheld X-ray unit.

Makakatulong ang naturang mga kagamitan na mapalakas ang kapabilidad ng PDEA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa pag-iimbestiga sa transnational drug trafficking sa mga paliparan.


Nagpasalamat naman si PDEA Director General Wilkins Villanueva, sa kanilang mga katapat sa US sa kanilang suporta sa pagsisikap ng Duterte administration na masugpo ang operasyon ng illegal drugs sa bansa.

Facebook Comments