Water lily at basura papalitan ng pera sa Taytay, Rizal

62

Inihayag ni Taytay , Rizal Mayor Goric Gacula, na babayaran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga residente ng naturang bayan na makakatanggal ng water lily at iba pang mga dumi sa ilog.

Babayaran sila ng ₱1.50 bawat kilo ng water lily.


Ayon kay Gacula, nakipag-partner umano ang DENR sa Taytay Local Government Unit (LGU) upang tulungan silang matanggal ang mga water lily at basura sa Pasig River at mga katabing ilog.

Facebook Comments