PDL MULA SA DISTRICT JAIL NG CAUAYAN, NAKABIHAGI SA ISINAGAWANG SKILLS TRAINING

Nasa dalawampu na Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa Cauayan District Jail ang nakibahagi sa isinagawang Skills Training on Weed Crafts na inisponsoran ng Alternative Learning System o (ALS).

Ang naturang aktibidad ay bahagi rin ng pagdaraos ng “NACOCOW 2022” na may temang Mataas na kalidad ng Serbisyong Pampiitan, Pagbabago ng PDL, Tiyak Makakamtan.

Ang nasa 20 na nakilahok sa naturang gawain ay ang mga PDL na nakapag enroll sa primarya at sekondarya ng ALS.

Layunin umano ng nasabing aktibidad na magkaroon ng pagkakaabalahan ang mga PDL habang ang mga ito ay nasa loob pa at upang makatulong rin ito bilang maging kanilang livelihood o pagkakakitaan upang magkaroon ang mga ito ng pantustos sa kanilang mga pangangailangan.

Kapag may mga natapos na mga produkto na gawa ng mga PDL, ay maaari umano itong kunin ng kanilang mga kamag-anak upang maibenta ang mga ito sa labas.

Ilan sa mga produktong ginagawa ng mga PDL ay mga miniature, basket na gawa sa talahib, at iba’t ibang uri ng display na gawa naman sa mga beads.

Kaugnay nito, ay maari pa rin umano magpatuloy sa paggawa ng mga iba’t ibang produkto ang mga PDL kahit na tapos na ang “NACOCOW 2022”.

Facebook Comments