PDL’s ng Cauayan City District Jail, Sumailalim sa Pagsasanay!

*Cauayan City, Isabela- *Nagsimula na sa pagsasanay ang mga Person’s Deprived of Liberty ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Lungsod ng Cauayan para sa kanilang Physical Fitness Exercise na pinangunahan ng tanggapan ng City Sports Development Office.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Jail Chief Insp. Gilbert Accad, BJMP Jail Warden, malaking kaginhawaan aniya ito sa mga PDL’s para sa kanilang kalusugan at upang magkaraoon na rin sila ng iba pang pagkakaabalahan.

Maliban dito, may mga pagsasanay din ang ilang mga PDL’s sa paggawa ng mga uniporme o tailoring.


Giit ni Jail Chief Insp. Accad na sa ganitong paraan ay mas makakaiwas sa sakit ang mga PDL.

Patuloy naman na sasanayin ng mga staff ng City Sports Development Office ang mga PDL’s at kung natuto na ang mga ito ay sila na rin anya ang magsasanay sa kanilang kasamahan.

Facebook Comments