Task Group, Binuo para sa Imbestigasyon sa Pagpatay sa 2 Barangay Opisyal sa Sto. Tomas, Isabela!

333

*Cauayan City, Isabela- *Pinangunahan ni P/Col. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang pagbuo ng Special Investigation Task Group para sa agarang paglutas sa pagpaslang sa Barangay Captain at Kagawad nito matapos tambangan sa bahagi ng Barangay Bagabag, Sto. Tomas, Isabela.

Matatandaan na noong gabi ng Miyerkules, August 21, 2019, tinambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang mga biktimang sina Brgy Capt Manuel Ramento na agad binawian ng buhay habang si Brgy. Kagawad May Glenn Padre ay binawian naman ng buhay sa isang pagamutan.


Kaugnay nito, bumuo na ang pamunuan ng IPPO ng special investigation task group na siyang tututok sa kaso ng pagpaslang sa naturang dalawang opisyal at ikinasugat ng 2 iba pa.

Ayon kay P/Capt. Frances Littaua, tagapagsalita ng IPPO ay kasama rin ang PNP Sto. Tomas PIB at CIDG Isabela na tututok sa agarang pagresolba sa naturang kaso.

Facebook Comments