Naturukan na rin ng ikalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Manila City Jail partikular sa male dormitory.
Ito ay sa pamamagitan ng Health Service Unit (HSU) at ibang empleyado katuwang ang mga tauhan ng Manila Health Department.
Nasa 4,746 ang kabuang bilang ng nabakunahan sa Manila City Jail at kasama na rito ang ilan sa mga nakalaya na.
Layunin ng pagbabakuna sa mga PDL na mabigyandin sila ng proteksyon laban sa banta ng virus.
Napagdesisyunan ng tagapamahala ng Manila City Jail na si Jail Supt. Mirasol Vitor na isama sa pagbabakuna ang mga nakalaya na para masigurong ligtas sila sa virus at malaman na rin ang kanilang kondisyon.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng Manila City Jail sa Manila Local Government Unit at sa Manila Health Department sa patuloy na paglalaan ng bakuna para sa mga bilanggo.