COVID-19 active cases sa Pasay, patuloy sa pagbaba

77

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Pasay na patuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa datos, 482 na lamang ang aktibong kaso sa lungsod mula sa 3,626 na naitala hanggang noong Enero 14.

Paliwanag ng pamahalaang lungsod, mas marami ang mga bagong gumaling kumpara sa mga bagong tinamaan ng nasabing sakit.


Sa katunayan, kahapon, umabot sa 495 ang bilang ng new recoveries habang 96 ang bilang ng new confirmed cases.

May isa namang naitalang bagong nasawi dulot ng virus.

Samantala, hinikayat ng pamahalaang lungsod ang publiko na kumpletuhin na ang bakuna at mag pa-booster shot na rin laban sa COVID-19 upang mabigyan ng dagdag na proteksyon mula sa nasabing sakit.



Facebook Comments