Lumagda na ng kasunduan ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cusi faction at Partido Reporma para magtulungan sa 2022 elections.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ito ay para masuportahan ang kampanya ni Senador Christopher Go sa pagka-bise presidente sa darating na halalan.
Layon din nitong suportahan ang pagpapatuloy ng mga pangunahing programa ng administrasyong Duterte.
Ang Reform Party ay pinamumunuan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary James Layug.
Dumalo rin sa pulong sina PDP-Laban Secretary-General Melvin Matibag, PDP President Alfonso Cusi, at Cleo Dongga-as ng Reform Party.
Kahapon, binigyang diin ni Cusi na isinusulong rin nila ang presidential bid ni Senador dela Rosa sa 2022.
Pero gayunpaman, nananatili silang bukas para sa Go-Duterte tandem.