PDP-Laban, sumailalim sa reorganisasyon

Manila, Philippines – Inamin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sumasailalim ngayon sa reorganisasyon ang partidong PDP-Laban.

Ito ay matapos na ibulgar ni Alvarez na may illegal recruitment na nangyayari sa PDP-Laban.

Ayon kay Speaker, may mga impormasyon na natanggap na may ilang nagpapakilalang myembro ng PDP-Laban at nagpupunta sa mga sitio at barangay para mag-recruit ng mga myembro kapalit ng salapi.


Ilan pa anya sa mga sangkot sa illegal recruitment ay mga lehitimo pang miyembro ng PDP-Laban na walang otorisasyon para gawin ang ganitong aktibidad.

Matapos makapagrecruit ay papanumpain ang mga ito, bibigyan ng party ID kapalit ng bayad pero hindi sinabi kung magkano ito.

May mga pangako pang mabibigyan ng bagong posisyon ang mga bagong miyembro bilang OIC sa mga barangay.

Pinag-aaralan na rin ng PDP-Laban ang parusang ipapataw sa mga ito.

Facebook Comments