Transmission lines at facilities ng NGCP, nanatiling normal

Manila, Philippines – Normal ang operasyon ng transmission lines at facilities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa advisory ng NGCP, wala pang naitatalang nasirang major power lines sa pagtama ng bagyo sa Northern Luzon.

Gayunman, nag-deploy pa rin sila ng sapat na mga tauhan para tumugon sa mga posibleng maging problema.


Tiniyak naman ng mga lokal na opisyal na tutulong sila sa clearing operations sa mga pangunahing daan sakaling may mga humambalang na natumbang puno at mga kumalat na debris mula sa mga gumuhong lupa.

Facebook Comments