Ideneklara ng Commission on Election (COMELEC) ang dominant majority at dominant minority political party para sa halalan sa Lunes.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang PDP-Laban ang dominant majority party habang ang Nacionalista Party ang dominant minority party.
Mahalagang matukoy ang mga dominant majority at minority party dahil sa ilalim ng RA 9369, sila ang bibigyan ng COMELEC ng kopya ng election returns at certificates of canvass sa eleksyon.
Sa gitna ng pagkakaroon ng 2 paksyon sa PDP-Laban, itinuring sila ng Comelec bilang isang partido pulitikal bagama’t nakabinbin pa ang petisyon ng grupo nina Energy Sec. Alfonso Cusi at Sen. Koko Pimentel III.
Tinukoy rin ng COMELEC ang 10 major political parties kabilang na ang Liberal Party, Aksyon, Nationalist Peoples Coalition, Lakas CMD, PDR, NUP, LDP, PFP, Akbayan, UNA.
Tinukoy rin ng COMELEC ang major local parties na binubuo ng 13 partido pulitikal kabilang ang tatlo sa Metro Manila, isa sa Davao, Bulacan, Pampanga at Laguna.