Pangulong Duterte, may babala sa mga ayaw pa ring magpabakuna kontra COVID-19

105

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na ayaw pa ring magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung magmamatigas pa rin ang marami na magpaturok ng bakuna ay baka mapasama sila sa ikatlong listahan ng Civil Registrar o ang talaan ng mga namamatay.

Wala naman aniyang problema sa Pangulo kung talagang ayaw magpabakuna ng iba pero mahigpit na paalala nito na kailangan proteksyunan ang sarili lalo na ang mga dumadalo pa sa mga rally.


Dagdag pa ni Pangulong Duterte na dadagsa ang mga tao sa mga polling centers sa araw ng halalan para bumoto kaya malaki aniya ang posibilidad na may makakalusot na positibo sa COVID-19 pero asymptomatic o walang sintomas.

Facebook Comments