PDRRM Isabela, Handa sa Pagtugon sa mga apektadong lugar sa Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Tiniyak nang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO-Isabela) na handa ang kanilang hanay sa pagtugon sa insidente ng nararanasang pag uulan sa ilang bahagi ng Probinsya ng Isabela maging sa kapalit na Lalawigan ng Cagayan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan mula kay PDRRM Officer Basilio Dumlao, ilang tulay pa rin ang hindi madaanan sa Isabela gaya ng Sta. Maria at Sto. Tomas overflowbridges gayundin ang tulay sa Baculod sa siyudad ng Ilagan habang maaari namang madaanan ang tulay sa Cabisera 8.

Dagdag pa ni PDRRM Officer Dumlao, wala naming inilikas na mga residente sa mga lugar na apektado ng bagyo dahil wala naman aniyang malawakang pagbaha sa mga naturang lugar sa probinsya.


Samantala, nakahanda naman ang kanilang hanay sa pagtugon sa mga maaapektuhan ng bagyo sa lalawigan ng Cagayan.

Sa ngayon ay nananatili pa rin ang pagpapatupad ng liquor ban sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments