PDRRMC at Gov’t Hospital sa Isabela, Itinaas na sa Red Alert Status dahil sa COVID-19!

Cauayan City, Isabela- Naka-highest alert level na ang Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) at mga Government hospital sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa Memorandum no. 2020-001 na ipinalabas ng PDRRMC na nilagdaan ni Isabela Governor Rodito Albano III, inaatasan ang lahat ng mga ospital na pagmamay-ari o inooperate ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na itaas sa Red alert status dahil pa rin sa banta ng Coronavirus disease o COVID-19.

Ito’y upang mapigilan at mapaghandaan ng Lalawigan ang posibleng pagkalat ng naturang sakit.


Hiniling sa bawat alkalde na alertuhin ang DRRMC’s, mga local officials at Local COVID Task Force na gumawa rin ng hakbang kontra sa pagkalat ng naturang virus.

Inalerto rin ang mga concern agencies at bawat hanay ng Kapulisan sa Lalawigan na makipagtulungan sa LGU’s sa pagpapatupad ng mga protocols para sa pag-iwas ng COVID-19.

Maging ang tanggapan ng Department of Trade and Industry ay kinakailangan din na i-monitor o bantayan ang mga business stablishment upang matiyak na walang magsasamantala o magtataas ng presyo ng mga gamot o medical supplies ngayong patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng sakit sa iba’t ibang panig ng bansa.

Facebook Comments